10 Point Agenda ni GMA: Kritiko mula sa isang simpleng mamayan

Dahil medyo toxic na ako dito sa opisina, medyo nagnilaynilay muna ako ng mga ibang bagay na pwede kong pagkaabalahan at punan muna ng pansin kahit sandali...
at sinwerte swerte... napunta ako sa isang site na nakalista ang 10 point agenda ni GMA... tignan nga naten ulit...
1. The creation of six million jobs in six years via more opportunities given to entrepreneurs, tripling of the amount of loans for lending to small and medium enterprises and the development of one to two million hectares of land for agricultural business.
Medyo mahirap tong number one ni Gloria... pero sa tingin ko ginagawan naman nya ng pansin ang unemployment at capital accounts ng entrepreneurship sa bansa... pati nga yung mga tambay binigyan nya ng trabaho diba? Pinaglinis nya yung mga Out of School Youth ng buong maynila para sa paghahanda noong ASEAN games nung nakaraang taon... kaso... may mga nagsasabi na di daw sila naswelduhan ng tama... so ... nakurakot na naman? hehe!
2. The construction of new buildings, classrooms, provision of desks and chairs and books for students and scholarships to poor families
More infrastructure... more budget... more kurakot!
3. The balancing of the budget
Kaya kayang ibalanse ang pera ng gobyerno? Sus! tignan ko lang...
4. The "decentralization" of progress around the nation through the use of transportation networks like the roll-on, roll-off and the digital infrastructure
Check dito ang gobyerno. Aprub!
5. The provision of electricity and water supply to barangays nationwide
Nationwide? Aber! Pengeng preba! Hanggang sa kasuluksulukan ng bulubundukin ng Abra at Negros dapat may kuryente ha?!
6. The decongestion of Metro Manila by forming new cores of government and housing centers in Luzon, Visayas and Mindanao
Housing? diba si Noli ang nagpapatakbo nyan? Balita ko yung iba daw nabigyan na... may tanong lang ako dito... yung mga bahay sa kahabaan ng Osmena Highway... bakit parang walang masyadong nakatira? bakit ganun? Pagaaksaya ng pera?
7. The development of Clark and Subic as the best international service and logistic centers in the region
Maganda ang Subic... sana nga maging best sila... kaso naalikabukan pa ng rape case ng mga sundalong kano... syet kayong mga kano kayo...
8. The automation of the electoral process
Put#!!* Ulul... Lokohin nyo lelang nyo
9. A just end to the peace process
Medyo wala na ngang balita tungkol sa mga gulo sa Mindanao.... dalawang bagay lang siguro yan... naghahanda ulit ang mga NPA at terorista sa isa pang pagatake... o tila napagod na rin ang media sa kakakober sa mga "war games" sa Mindanao...
10. A fair closure to the divisiveness among the Edsa 1, 2 and 3 forces
Muntik na ngang magka Edsa 4 dahil kay Garci e ... buti na lang masyadong mahina ang mga oposisyon at masyadong magaling si GMA sa pagpapaikot ng mga tao...
Pero hindi pa naman tapos ang lahat e ... madami pang pwedeng patunayan ang gobyerno patungkol sa mga isyung nailista at mga di nailista dito... sana nga lang... magkatotoo lahat ng ito... bow.


1 Comments:
sa kauna-unahang pagkakataon, napagod ako sa pagbabasa ng blog mo...
ang mga gantong klaseng topic eh nakakapagod isipin.
Post a Comment
<< Home