Thursday, January 26, 2006

10 Bagay na natutunan ko sa buhay empleyado: Mula sa perpective ng isang nagsusumigaw na laborer



Mga bagay na natutunan ko sa ilang taon kong pagtatrabaho sa ibat ibang kompanya:

1. Makikisama ka sa mga taong di mo trip sa earth

2. Iintindihin mo ang kanilang personalidad na walang kakupas kupas ang pagsasawalang bahala sa mga opinyon mo

3. Di pumapantay ang sukatan ng dami ng trabaho sa sweldong matatanggap mo

4. Minsan pa'y di sukatan ang kagalingan mo sa trabaho para taasan ang sweldo mo

5. Pag tinatamad ka magtrabaho, mapipilitan ka lang magtrabaho...kaya mabuti pang wag na lang pumasok

6. At pag tinamad ka... kaltas sa leave yon... at kung swerte... without pay na rin ang katumbas ng katamaran mo

7. Kelangan ding matutunan ang "art of letting go" at "science of understanding and patience" sa katrabaho at opis work

8. Malaking bagay ang pagrerelaks sa sandamakmak na trabaho

9. Wag dalin ang trabaho sa bahay... pero minsan kelangan din

10. Pero ang pinaka importante, ang lahat ng mangyayari sa loob ng opisina ay maging isang "learning experience" sa pagharap sa mga problema sa buhay

1 Comments:

At 10:20 AM, Blogger *trinapay* said...

ang kyut ng drawing.

 

Post a Comment

<< Home