Life's "One Liners"

Habang naglalakad ako nung isang araw sa Ayala, Mga ala una ng hapon ata yun at katatapos ko lang mananghalian, bigla lang akong napanilay tungkol sa simpleng kahiwagaan ng buhay... mga araw araw na nababangit ng ating mga bibig pero di nating masyadong nabibigyan ng pansin... at tuloy... naalala ko lahat ng mga "one liner" punch ng aking pamilya at mga kaibigan...
1. "Rolling stones, gather no Moss" - lagi itong nababanggit sa bahay namin dati... ang mommy ko ang laging nagsasabi nyan sabay sermon saming magkakapatid... tuloy pati kuya ko at si ate ay nakuha na rin yung linya... tuwing magsasama sama kami hihirit nila yan at magtatawanan kami...
pero sa totoo lang... di ko gets kung anong ibig sabihin... basta ang alam ko, isang bagay yan na maari kong mapagkuhanan ng aral sa future.
2. "Papunta ka palang, pauwi na kami" - O ha?! lahat ata ng magulang sinasabi to e.... pero totoo naman... mas madami ng napagdaan at experiences ang mga magulang natin... pero isa lang ang mahiwagang tanong.... "kung ganun.... bakit hanggang ngayon di pa tayo nagkakasalubong?!" hehehe! peace!
3. "Good job guys!" - Linya ng mga manager namin dito sa opis tuwing may magagawa kaming matino sa trabaho lalo na kung matapos namin yung deadline ahead of time... Masaya pag ganun... pero minsan nakakabingi na ang pagkakaulit ulit.. wala na bang iba? wala na bang pwedeng ibigay na iba maliban sa maningning na mga salita? hehe
4. "Late na naman ako!" - Well, ako to...linya ko... late na lang ako lagi ngayong mga panahon na ito...ewan ko kung bakit!
5. "Pare, may problema ako" - Yan.... yan ang mga linya ng mga kaibigan... hehe... kadalasan inuman and derecho nyan.
6. "San tayo kakaen? San gusto mo?" - Paulit ulit na maririnig sa mga may boypren at gelpren...di makapagdecide kung saan pupunta at saan kakaen.
7. "EASY!" - Una kong narinig sa mga kaibigan ko dati sa Unilab tuwing magkekwentuhan ng mga kalokohan... tapos narinig ko kay Ted Faylon... kay Vic Sotto... Joey De Leon.... pati kapitbahay ko hinihirit yan.. aba'y USO!
8. "Bayaran mo sa tamang oras yang mga credit card mo! Ano ka ba? mababaon ka sa utang nyan?!" - Salita ni mami... Tama to... promise!
9. "Piliin mo yung mga kaibigan mo" - Oo tama din to... sa tagal tagal ko ng pakikipag kaibigan sa mga tao...tila ilan lang sa kanila ang masasabi kong totoo at makakasama ko sa oras ng pangangailangan. bow.
10. "Anong oras na?" - Ito kahit di mo na tanungin verbally.... pero utak mo mismo ang nagtatanong nyan sa sarili mo... tapos maoobliga kang maghanap ng relo.... o diba? di ka ba naamaze?! hehe!


2 Comments:
oi meron pa...
1. POST NO BILL
2. KEEP OFF THE GRASS
3. your credit is good, but I need cash...hehehe naalala mo pa ba ang mga nakakatuwang sandali pag nagkikita kita tayo sa NOVA
piliin pala ah.. kaya pala hndi ka nangangausap..
Post a Comment
<< Home