23rd SEA Games

Some point of views mula sa 23rd South East Asean Games dito sa Pinas:
1. Kinekwestyon ng Thai Prime Minister na si Thaksin Shinawatra ang resulta ng mga laro sa SEA Games! Bakit daw nakakahatak ng madaming medalya ang Pilipinas sa tally! "Bakit??? Wala na ba karapatang maging magaling ang mga Pilipino??? Thai na ka!! "
2. Ang lupet nung napanood kong boxing nung isang araw... Nilamog nung Pinoy yung Vietnamese 13-1. "Sana lalo pang palakasin ng PSC ang mga Pinoy na boksingero!"
3. May 121 medals na tyo over all as of yesterday!!! "humahataw pa rin!"
4. Si Shiela Mae Perez ng Diving, kakaiba! triple gold medalist?!!! Nagumpisa lang daw sya na maninisid ng barya... "San ka pa?!!!"
5. Gusto ko sanang panoorin yung Traditional Dragonboat Race sa weekend sa La Mesa Dam! "Kaso di ko alam directions papunta dun?!! Malamang champion na naman tyo dun!"
6. Nagbenta ako ng t-shirts ng SEA games nung weekend sa bazaar ng sister ko..."Sold out! Sabi pa ng isang buyer, I'm proud to be a Filipino! I'll buy that for any price! Aba'y buti na lang at may mga loyolistang Pinoy sa panahon naten... nakakatuwa!"
7. Salamat sa mga atletang pinoy dahil kahit sa maikling panahon at kahit sa maliit na paraan nila nakakapagbigay sila ng malaking bagay para sa Pilipinas! "Di tulad ng mga tao sa gobyerno...halos buong buhay na silang nagsisilbi, wala namang magawang matino!"
8. Taas noo din ako sa PSC, sa lahat ng bumubuo at nag sponsor ng 23rd SEA Games... kahit di naman kasing bongga ng Olympics yung opening, masasabi kong "The best pa ren ang Pinoy! Pagpatuloy nyo yan!"
9. Si Senator Lito Lapid pala ang in-charge sa Komite on Sports sa Senado.... "Ano kayang nagawa nya para sa preparasyon at esekyusyon ng ASEAN Games?"
10. Ang galing din ni Garci no?! Lumabas sya kung kelan lahat ng tao e nakatutok sa ASEAN Games.... nakatutok na ren sa nalalapit na Pasko.... "Kung yung mga malalaking negosyante nga wala ng pakialam sa paglabas ni Garci, ako pa kaya?! Wala na yan... fade out na 'to."


2 Comments:
gusto ko gawing target sa target shooting yung thai pm. tama... thai nya nga! hehehe.
ang lufet ng water polo team! 20 mins straight na walang timeout. treading ng 20 mins amp! sabay sayaw ng Pinoy Ako pagkatapos ng laro. 'Steg!
Post a Comment
<< Home